Dekaron – I Will Wait For You

Hahahaha… ang korny nampotah.

Share ko lang tong video ni Kyla singing Wait For You (originally popularized by Elliot Yamin), kasi feeling ko everyone’s singing this song until bumalik ang Dekaron sa September 3. Oo, next week na yun, pero bakit ba, apektado pa rin kami eh. Hahaha…

Parang may withdrawal syndrome nga ata ako eh. Eto, nidodouble click ko ng paulit-ulit ung icon ng Dekaron. Nakasanayan ko na kasi na naka-window mode yung Dekaron ko habang nagtratrabaho. OO, inaamin ko, AFK ang Summoner ko madalas, pero naman di ba, sa dami ng trabahong nailabas ko for the whole week, it’s a wonder talaga how I managed to raise my summoner up to the level of 52.

Medyo nakakalungkot kasi ni-wipe-out ang servers after ng CBT, pero ganun talaga. S.O.P. yun ng industry. Tsaka iniisip ko, para na rin fair sa mga hindi nakasali sa CBT (exclusive kasi ang account keys). Well, if the buzz is any indication, mukhang mapapasubok kami sa Open Beta sa dami ng gustong mag-laro ng Dekaron.

I feel a special connection to the game Dekaron kasi while I was under the process of applying for the current position I have now, the Marketing Director of mobiusgames who was in charge of considering my application made me write several copies for “Dekaron”. And this was LATE NOVEMBER last year pa! Imagine, from late November last year, I’ve been researching na and familiarizing myself with the game. Bad trip pa, the 2Moons people started blocking IP’s outside N.America when I got wind of the game, so di ko na siya nalaro, unlike some people here.

So ayun, o di ba, sharing sharing moments tayo ngayon? Well, bakit ba, blog ko naman to. Hahahha… Ayaw nyo nyan, may personal aspect pa tayo ngayon.

Anyway, so yun, ako naman, si Mr. Eager Applicant, research-con-research talaga. Lahat ata ng videos sa YouTube ng Dekaron, pinanood ko. Pati forum boards ng mga gaming communities sa Europe at United States of America ininvade ko na para lang may matutunan tunkol sa Dekaron.

Back then, purely theoretical ang grasp ko sa game of Dekaron. Base sa videos, pictures, and discussions ng mga tao, mukhang “Dekaron/2Moons” ang pinaka-bayolenteng MMORPG in the whole maderpaking world.

Actually, I was really, really, likeohmygash, curious how mobiusgames would package Dekaron. Base sa pagkakaalam ko sa Dekaron, eh murahan kung murahan talaga ang mga NPC dito. As in todo “Pakshet ka! Wag kang pahara-hara sa daan, ‘ina mo!” pag trinanslate mo sa Tagalog. IN fact, bago magload ng todo ang game, merong warning na “For Mature Gamers Only” ang 2Moons/Dekaron. Eh, hello, retarded pa naman ang ating 3rd World Country of the Pilipins. Kita nyo naman, “entertainment” na pala ang mga ungas na tulad ni moymoy palaboy. So, dun palang, makikita na nating hindi masyadong sophisticated ang tastes ng Pinoy, amiirite? Hahahahaha…

Anyway, thankfully naman, DEKARON SEA is FAITHFUL TO THE ORIGINAL INTENT OF THE KOREAN DEVELOPERS. Medyo controversial ang 2Moons, oo, kasi todo balahuraan talaga kung balahuraan, pero yung essence of hardcore action and extreme gameplay of the original, we managed to translate that into the Dekaron SEA version. Dekaron SEA will definitely make your mommas cringe, pero they wouldn’t thrown a fit naman. OA naman nanay mo kung ganun.

So, ayun nga. Nako, bukas, magbloblog uli ako.

Advertisements

1 Comment

  1. Ang sakit talaga mawalan ng isang character na pinaghirapan XD.


Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s